Keane Amiel Filarca "Amiel"
Gender: Lalakeng lalake.
Ugali: Tamad sipagin, masipag tamarin.
Special Ability: Teleportation from one spot... to the same spot.
Motto: Ang unang hakbang sa katuparan ng pangarap ay ang pagkakaroon ng pangarap.
Bio: Itago niyo na lang ako saking tunay na pangalang Amiel. Sa edad na 12 years old, mahirap pagsabayin ang pagmamahal at pagaaral. Buti na lang hindi ako 12 years old. 15 na ako. Takot ako sa isang chubby, brown, flying ipis. Mahirap lang kame, sa katunayan, pinagkakasya ko lang ang 15,000 pesos na allowance ko sa loob ng pitong araw.
Ako ang taga-pagtanggol ng na-aapi;
at taga-api ng nagtatanggol!
Graduate ng elementary sa Marist. Naniniwalang "a pen is mightier than a sword". Metaphorically. Hindi ito applicable sa isang "rambol" o pang self defense kung sakaling tutukan ka ng balisong ng isang holdaper.